Pagbakuna ng AstraZeneca para sa 2nd dose sa San Juan, gagawin pagkalipas ng 10 weeks

24

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng San Juan na gagawin ang pagturok ng 2nd dose ng AstraZeneca, pagkalipas ng 10 linggo mula ng maiturok ang 1st dose ng nasabing brand ng bakuna.

Ayon kay San Juan City Mayor Francisco Zamora, ang masabing kautusan ay mula mismo sa Department of Health (DOH).


Paliwanag aniya ng DOH na mas magiging epektibo ang bakuna sa katawan kung pagkalipas ng 10 linggo gagawin ang pagturok ng 2nd dose.

Sinabi rin Zamora na nakalathala sa kanilang official Facebook account ang araw ng unang pagturok ng 1st dose ng AstraZeneca at nakalagay rin ang petsa kung kailan ang 2nd dose.

Pakiusap naman ng alkalde na hintayin ang confirmatory text mula sa San JuanCity bago kayo pumunta vaccination site ng lungsod.

Facebook Comments