Pagbakuna sa A5 o indigent population sa San Juan, sisimulan na ngayong araw

32

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan na sisimulan na ngayong araw ang pagbakuna sa mga mahihirap na sector o Indigent population o tinatawag nilang A5 category.

Ayon kay Mayor Francisco Zamora, gagawin ang bakunahan sa mga A5 category sa Filoil Flying V Centre o San Juan Arena.


Kaya naman hinikayat ni Zamora ang mga residente ng lungsod na magparehistro na sa kanilang online COVID-19 registration vaccination program na makikita ang link sa official Facebook account ng lungsod.

Para naman sa mga magpapabakuna na mga A5, dapat magdala ng kanilang Government Issued o Valid ID, Certificate of Indigency mula sa kanilang barangay, at Confirmatory text na nagsasaad ng schedule ng kanilang bakuna.

Tiniyak naman ng alkalde na magpapatuloy pa rin ang pagbakuna sa A1, Ä2, A3 at A4 categories.

Facebook Comments