Pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank, kinondena

209

Manila, Philippines – Hindi katanggap-tanggap para mga senador ang ginawang pagbangga at paglubog ng Chinese vessel sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda.

Para kay Senator Panfilo Lacson, kailangang mapag-usapan ito ng mga pinuno ng Pilipinas at China.


Aniya, hindi natin ginawa ito sa ating mga kaibigan at hindi dapat ito ginawa ng mga kaibigan sa atin.

Tinawag naman ni Senator JV Ejercito ito na pambu-bully ng China.

Nanawagan naman si Senator Francis Escudero sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG) at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na imbestigahan ang insidente at panagutin ang captain at crew ng Chinese vessel.

Giit naman ni Senator Joel Villanueva – isang malaking insulto ito lalo at ipinagridiwang ng bansa ang Araw ng Kalayaan.

Hinimok naman ni Senator Francis Pangilinan ang gobyerno na baligtarin ang polisya nito at maghain ng diplomatic protest.

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto III – dapat abisuhan ng DFA ang Chinese government hinggil sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers