Pagbangga ng Chinese vessel sa Filipino boat, isang “ordinary maritime accident” – Chinese foreign ministry

Minaliit lamang ng China ang insidente ng pagbangga ng Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng Pilipinas.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Geng Shuang, isang ordinaryong maritime accident lamang ang naganap sa Recto Bank.

Gayunman, patuloy naman aniya ang kanilang imbestigasyon sa insidente.


Kasabay nito, nagbabala si Shuang laban sa aniya’y iresponsableng pamomolitika sa nangyaring pagbangga ng kanilang barko.

Facebook Comments