Pagbasa ng hatol sa OFW na nasa death row sa United Arab Emirates, ipinagpaliban

30
Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Court of Appeals ng United Arab Emirates ang paglalabas ng desisyon kaugnay ng parusang ipapataw sa Overseas Filipino Worker na nasa death row.
 
Ito ang sinabi ni Dept. of Foreign Affairs Spokesman ASEC Charles Jose, kung saan kahapon sana ilalabas ng UAE Court of Appeals ang desisyon kung pagtitibayin ang parusang bitay kay Jennifer Dalquez o bibigyan ng pardon at pagbabayarin ng blood money.
 
Ayon kay Jose, inilipat ang pagbasa ng sakdal sa April 12.
 
Umaasa naman si ginang Alicia, ina ni Jennifer na mabibigyan ng pardon ang anak.
 
Matatandaan noong 2015 guilty ang inihatol kay Jennifer dahil sa pagpatay sa among pinagtangkaan siyang halayin.
 
Giit ni Jennifer, self-defense lamang ang kanyang ginawa.


 

Facebook Comments