Pagbasa ng sakdal kay dating Gov. Sajid Ampatuan, ipinagpaliban ng Sandiganbayan

67

Ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan 1st division ang pagbasa ng sakdal kay dating Governor Sajid Ampatuan.

Nahaharap si Ampatuan sa 4 na bilang ng kasong graft at complex crime of malversation of public fund through falsification of public documents kaugnay sa ma-anomalyang pagbili ng food supplies noong April 30, 2009 na nagkakahalaga ng higit P29 Million.


Hindi pa kasi nareresolba ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Ampatuan.

Una na kasing ibinasura ng Sandiganbayan 1st Division ang motion to quash ni Ampatuan.

Itinakda ng korte ang arraignment at pre-trial sa August 2, 2019, alas 8:30 ng umaga.

 

Si Sajid ay nahaharap din sa higit 200 bilang ng kasong graft na nasa iba’t-ibang dibisyon ng Sandiganbayan at isa rin sa pangunahing akusado sa November 23, 2009 Maguindanao Massacre.

Facebook Comments

From Advertisers