Pagbasura ng Ombudsman sa reklamong kriminal at administratibo laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng PhilHealth, dapat irespeto ayon sa pamunuan ng ahensya

Dapat umanong irespeto ng mga pumalag na kawani ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang naging pagbasura ng Office of the Ombudsman sa isinampa nilang kasong kriminal at administratibo laban sa 11 PhilHealth officials.

Sa isang statement, sinabi ni Atty. Dante A. Gierran, President at CEO ng PhilHealth na direktang isinilbi sa mga kaukulang complainants ang desisyon ng Anti-Graft Court dahil hindi naman ang mismong ahensya ang kinasuhan.

Ani Gierran, nananatiling matatag at nagkakaisa ang pamunuan ng PhilHealth.


Tiniyak ni Gierran na nananatili ang commitment ng PhilHealth officers at employees sa buong bansa na proteksyunan ang interes ng may 110 milyon na members nito na umaasa sa National Health Insurance Program.

Facebook Comments