Pagbasura sa mga lumang bus, iginiit ni Senator Sotto

23

Manila, Philippines – Kinakalampag ni Senador Vicente Sotto ang Land Transportation Office at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na kumilos para masolusyunan ang mga aksidente sa lansangan.

Kasunod ito ng malalagim na aksidente kung saan pinakahuli ay ang pagbulusok sa bangin sa Nueva Ecija ng Leomarick bus kung saan 31 ang binawian ng buhay, habang marami ang sugatan.

Giit ni Senator Sotto, dapat tuluyan ng mawala sa lansangan ang mga bulok at lumang bus na nire-recycle lang ng mga bus companies at ito ang kadalasang sangkot sa malalagim na trahedya.

Napapanahon rin ayon kay Sotto na ire-eksamin ang lahat ng professional licensed drivers para mawala ang mga driver na palpak.
Nation

Facebook Comments