Pagbawal sa paglabas ng bahay ng hindi pa mga bakunado, kapangyarihan ng Pangulo – Senator Drilon

704

Pwedeng ipagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglabas sa bahay ng hindi pa mga bakunado bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, sakop ito ng police power ng pangulo pero dapat na makontrol at hindi maabuso ang pagpapatupad nito.


Nilinaw naman ni Drilon na hindi pwedeng arestuhin, ikulong o pagmultahin ang mga di-bakunado na lalabas na bahay.

Habang hindi rin aniya pwedeng gawing sapilitan sa ngayon ang pagbabakuna dahil kulang naman ang suplay nito.

Sa ngayon, ipinanawagan ni Drilon na kailangan nang luwagan ang mga panuntunan sa pagkuha at pagpasok ng mga bakuna sa Pilipinas kontra sa COVID-19.

Facebook Comments