
Hiniling ni Senator Risa Hontiveros na bawiin ng pamahalaan ang mga pag-aari nina Atty. Harry Roque, Cassandra Ong, at iba pang sangkot sa kasong may kaugnayan sa operasyon ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Kasunod na rin ito ng paghahain ng qualified human trafficking ng Department of Justice (DOJ) laban kina Roque.
Sinabi ni Hontiveros na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito ay pagpapakita na gumugulong ang hustisya at kasabay nito ang pagde-demand na ganap na papanagutin ang mga responsable na krimeng ito.
Panawagan ng senadora na bawiin ng pamahalaan ang assets nila Roque, Ong, at iba pang sangkot sa POGO at gamitin ito na pantulong sa mga biktima.
Pinuri rin ni Hontiveros ang DOJ para sa walang tigil na pagtratrabaho sa kasong ito at tiwala siyang makakamit din ang hustisya sa huli.