Pagbebenta ng mga inuming nakalagay sa plastik na bote, ipinagbawal na sa isang paliparan sa Amerika

152

Hindi na makakabili simula ngayong araw ng bote ng tubig na gawa sa plastik sa San Francisco International Airport.

Partikular na rito ang purified water, carbonated o sparkling water mineral water at electrolyte-enhanced water


Ang mga nais na makainom ng tubig ay kailangan nang uminom sa water fountain.

Pwede ring magdala ng kanilang reusable bottle o bumili ng glass o aluminum water bottle na aprubado ng paliparan.

Idinagdag nila ang plastic water bottles sa listahan ng ipinagbabawal sa paliparan bilang bahagi ng effort na maging kauna-unahang zero-waste airport sa mundo sa taong 2021.

Facebook Comments

From Advertisers