Pagbebenta ng mga lupa na nasa ilalim ng land reform program, hindi kikilalanin

205

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kikilalanin ang pagbebenta ng agrarian reform beneficiaries ng lupa sa mga dating may-ari nito.

Sa kanyang talumpati sa Capiz, iginiit ni Pangulong Duterte – hindi dapat ibinebenta ang mga lupa na nasa ilalim ng agrarian reform program.


Dagdag pa niya, ipinagbabawal ito sa ilalim ng batas.

Nangako rin ang Pangulo na kukumpletuhin ang distribusyon ng government-owned lands sa loob ng kanyang termino.

Facebook Comments

From Advertisers