PAGBEBENTA NG SUBSTANDARD NA PRODUKTO, TINUTUTUKAN NG DTI ILOCOS

Mas pinaigting ng Deparment of Trade and Industry (DTI) Ilocos Region ang isinagawa nilang monitoring enforcement at surveillance laban sa mga nagtatangkang magbenta ng mga substandard na produkto.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng PIA Ilocos Region, inihayag ni DTI Ilocos Region Consumer Protection Division Chief Robert Baniqued ang kanilang mga hakbang upang masiguro na walang nananamantalang seller mapapisikal man o online.

Aniya, sila umano ay nagsasagawa ng advocacy programs para sa mga konsyumer upang hindi mapagsamantalahan sa kanilang mga bilihin at malaman ang kanilang mga Karapatan.

Dagdag pa riyan ang kanilang physical at online monitoring enforcement surveillance mula sa provincial hanggang regional level.

Katuwang ng ahensya ang mga Local Price coordinating Council upang masiguro ang pinaigting na monitoring, Ayon kay DTI Region 1 Regional Director Merlie Membrere. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments