PAGBIBENTA NG ILIGAL NA DROGA, SIDELINE NG ISANG UKAY-UKAY OWNER, NABISTO

MANAOAG, PANGASINAN – Hindi na nakapalag ang isang ukay-ukay owner nang arestuhin ito ng mga kawani ng PNP dahil sa pagbibenta ng iligal na droga.

Nahuli sa isinagawang buy bust operation ang suspek na si Maunara Panundi, 40 taong gulang sa Barangay Poblacion Manaoag, Pangasinan.

Narekober ng operatiba ang 4.5 gramo ng iligal na droga kay Panundi na nagkakahalaga ng P30,600.


Mahaharap sa kasong paglabag ang akusado sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments