PAGBIBIGAY-KAALAMAN UKOL SA LEGAL ADOPTION AT FOSTER CARE, ISASAGAWA

Nakatakdang magbahagi sa pangunguna ng Dagupan City Social Welfare Development Office (CSWDO) ang kaalaman ukol sa legal na pamamaraan ng pag-aampon.

Inimbitahan ang ilang mga eksperto sa larangan upang mas maging malinaw at epektibo ang ibababang kaalaman tulad na lamamg ng nararapat na impormasyon sa mga participante ukol sa naturang usapin.

Tatalakayin ang mga kaalamang nakapaloob sa Administrative Adoption, Republic Act 11642 and Foster Care na gaganapin sa darating na Feb. 21, 2025 sa Women’s Center.

Dalawampung slots lamang ang nakalaan para sa mga dadalo kaya sinumang interesado rito ay maaari nang magparehistro. Layon nitong makapagtaguyod ng maaayos at mabuting buhay para sa mga palalakihing mga anak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments