PAGBIBIGAY NG 5,000 FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA JOB ORDERS, CONTRACT OF SERVICE AT CONSULTANTS NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG PANGASINAN, APRUBADO NA

Inapbruhahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagbibigay ng limang libong pisong financial assistance sa mga empleyado ng provincial government na nasa ilalim ng JOB Orders, Contract of Service at Consultants.
Ito ay matapos na aprubahan ng lahat ng miyembro ng SP ang Proposed Provincial Resolution No. 461-2022 ni SP Member Vici Ventanilla.
Kabilang ang naturang budget sa Supplemental Budget na nasa 135,552, 734. 23 ngayong taon.

Ayon kay Provincial Budget Office Officer-In-Charge Dolores U. Vinuya, kinakailangan ang higit 9 million halaga upang maibigay ang financial assistance sa nabanggit.
Ang lahat ng Job Orders employees na nakapagtrabaho ng mahigit apat na buwan ay bibigyan ng 5,000 financial assistance habang ang mga wala pang apat na buwan ay maaring makatanggap ng 1,000-3,000. |ifmnews 
Facebook Comments