Pagbibigay ng abiso sa mga lugar na isasailalim sa lockdown, desisyon na ng lokal na pamahalaan

Desisyon na ng mga lokal na pamahalaan kung biglaan o magbibigay ng abiso kapag isasailalim sa granular lockdown ang lugar na kanilang nasasakupan.

Ito ay matapos umalma ang ilang apektadong residente dahil walang abiso ang pagpapatupad ng lockdown kaya’t hindi na sila nakapaghanda pa.

Paliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, kaya hindi ito inaanunsyo ng ilang lokal na pamahalan dahil may ilang umaalis at lumipat ng bahay sa oras na malaman nilang isasara ang kanilang lugar.


Sa ngayon paalala ni Malaya sa mga residente na tapusin muna ang lockdown bago lumabas ng bahay.

Facebook Comments