Pagbibigay ng booster shot sa mga senior citizen at may comorbidity, target simulan sa susunod na linggo

Target ng pamahalaan na simulan na rin sa susunod na linggo ang pagbibigay ng booster shot sa mga fully vaccinated na senior citizen at mga person with comorbidity.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa National Vaccine Operations Center (NVOC) para dito.

Aniya, ang pagbibigay ng booster shot sa mga healthcare worker, senior citizen at may mga comorbidity ay para maabot ang target na 1.5 million na mababakunahan kada araw.


Nauna nang inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magsisimula na bukas, November 17 ang pagbibigay ng booster shots sa mga healthcare workers.

Facebook Comments