Pagbibigay ng Christmas Cash Gift ng GSIS sa mga pensioners nito, aarangkada na sa lunes

131

Aarangkada na sa lunes, December 6 ang pamamahagi ng Christmas Cash Gift sa mga matatanda at may disability na pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS).

Nagkakahalaga ito ng P3.2 billion para sa paghahandog ng tulong o mas kilala bilang “Christmas bonus.”

Ayon kay GSIS President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet, hangad nilang makatulong ito sa pagbibigay ng masaya at maginhawang Pasko sa mga pensiyonado.


Matatanggap nila ito sa pamamagitan ng UMID card o eCard.

Facebook Comments