Pagbibigay ng relief operation, partial pa lang ayon sa Cainta Rizal Government

Inihayag ng pamunuan ng Cainta Rizal Government na magsasagawa sila ng pamamahagi ng mga relief goods sa mga piling lugar sa Cainta, Rizal.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na bukod sa partial distribution ng mga relief goods ay magsasagawa rin sila ng social pension distribution ngayong araw kung saan naka-iskedyul na ang mga residente ng Vista Verde Executive Village, Barangay San Isidro, Sampalucan, Jansenville Subd., Suburban Heights, at Barangay San Juan.

Ayon kay Mayor Nieto, para matiyak na hindi na mahahawaan ang mga residente kinakailangan malinis ang kani-kanilang mga lugar, kaya’t nagsagawa sila ng misting operation ngayong araw ang naka-schedule sa mga residente ng Brookside, Magnolia, Camilla at Gilmore Streets, Bermai Alley 73,Villa Estela, A-prime, Golden Mile subdivision, Buong Karangalan pati na rin mga eskinita sa West Floodway, Blk.1 Kasibulan Village.


Nakiusap naman ang alkalde sa ibang mga residente na hindi pa naabutan ng tulong, makakaasa umano sila na makararating ang tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Cainta, Rizal.

Facebook Comments