Patuloy sa pagpaprayoridad ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa sektor ng pangkalusugan.
Nadadagdagan ang mga benepisyaryo ng mga inilulunsad na health programs na mula sa nasyonal at lokal na gobyerno tulad ng nakatayong mga Super Health Center at Home Visit sa mga bara-barangay.
Ayon sa LGU Dagupan, tumaas umano ng hanggang 400% simula taong 2022 ang hatid na serbisyong medikal para sa mga Dagupeños.
Target ngayong mas palawigin pa ang naturang sektor sa pamamagitan ng pagkakaroon at pagdagdag pa ng mga makabagong kagamitang pang medikal na tiyak na bebenipisyo sa mga residente lalo na ang mga mahihirap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments