Pagbibigay ng Sinovac vaccine sa healthcare workers sa bansa, aprubado na ng IATF

42

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force o IATF ang rekomendasyon ng technical advisory group ng pamahalaan na nagbabasbas sa healthcare workers na tumanggap ng Sinovac COVID-19 vaccines.

Ayon kay Vergeire, ang nasabing rekomendasyon ay ipiprisinta ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Umaasa naman ang DOH na tatanggapin ng healthcare workers ang naturang bakuna lalo na’t ito ang unang bakunang papasok sa bansa.

Sa susunod na linggo ang target ng DOH na pagbibigay ng unang dose ng Sinovac vaccines sa mga nasa priority list tulad ng medical frontliners.

Facebook Comments