Pagbibigay night differential pay sa mga empleyado ng gobyerno, aprubado na sa sa ikatlo at huling pagbasa

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang batas na magbibigay ng night differential pay sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa House Bill 9458 o ang An Act Granting Night Shift Differential Pay to Government Employees Including Those in Government-Owned or Controlled Corporations and Appropriating Funds, aabot sa 225 mambabatas ang sumang-ayon.

Makakatanggap naman ng night differential pay ang mga nasa Salary Grade 1 hanggang 24.


Habang makakatanggap din ng hindi tataas sa 20 porsyento ng hourly basic rate ang empleyado kada oras ng trabaho.

Layon ng batas na kilalanin ang dedikasyon at katapatan ng serbisyo ng mga empleyado sa gobyerno.

Facebook Comments