Pagbibigay proteksyon sa mga kristyano ng mga Muslim brothers sa Marawi, ipinagpasalamat ni Sen. Villanueva

183

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pakikiisa si Senator Joel Villanueva sa pagdiriwang ngayon ng Edi ’l Fitr ng mga kapatid nating Muslim.

Sinamantala na rin ni Villanueva ang pagkakataon na pasalamatan ang mga Muslim brothers na nagbigay proteksyon sa mga kristyano sa Marawi City.

Dasal ni Senator Villanueva ngayong Eid ‘L Fitr, mas maging matatag at nagkakaisa ang lahat ng pilipino, anuman ang relihiyon laban sa mga pagsubok na dumarating sa bansa.


Ang mga problema aniyang kinakaharap natin ngayon, lalo na ang gulo sa Mindanao, ay sumusubok sa tatag ng ating pananampalataya, pagmamahalagan at pagsusulong ng kapayapaan.

Nagpahayag din ng pagbati sa mga Muslim brothers sina Senators JV Ejercito at Nancy Binay.

Umaasa si Sen. JV na maging makabuluhan para sa lahat ang selebrasyon sa pagtatapos ng ramadan.



Facebook Comments