Pagbibilang ng mga patay at sumusuko kaugnay sa oplan double barrel reloaded ng PNP, sinimulan na

69

Manila, Philippines – Inumpisahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibilang sa mga napapatay at sumusuko kaugnay sa kanilang war on drugs sa ilalim ng project double barrel reloaded.

 

Batay sa datos na inilabas ng PNP Public Information Office mula March 6 hanggang March 9, nakapagtala na sila ng isang daan at tatlong anti-drug operation sa buong bansa.

 

Sa mga operasyong ito, siyam ang naitalang napatay, 145 ang arestado, at 13 mga drug users ang sumuko.

 

Kasabay nito nagpapatuloy din anti-illegal gambling operations ng pulisya kung saan 2, 290 ang kanilang naaresto at nakakumpiska ng 468, 085 pesos.

Facebook Comments