Pagbibitiw ni COMELEC Chairman Andy Bautista, iginagalang ng palasyo

76

Manila, Philippines – Hindi na nagbigay pa ng mahabang pahayag ang Palasyo ng Malacañang kaugnay sa pagbibitiw sa posisyon ni Commission on Election Chairman Andy Bautista.

Kanina kasi ay naglabas ng pahayag si Bautista kung saan sinabi nito na epektibo sa katapusan ng taon ang kayang pagbibitiw sa posisyon.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, iginagalang nila ang naging desisyon ni Bautista at umaasang magiging maganda ang hinaharap nito.

Nabatid naman na bago lumabas sa social media ay nagbigay umano ng resignation letter sa Malacañang si Bautsita pero hindi naman ito inilalabas pa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Matatandaan na sinabi ni Bautista na ito ang tamang pagkakataon na magbitiw sa posisyon dahil postponed na ang barangay elections at sa ngayon ay kailangan siya ng kanyang mga anak.

Facebook Comments