Pagbibitiw ni dating Speaker Pantaleon Alvarez sa PDP-Laban, iginagalang ni Speaker Velasco

221

Tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco na nirerespeto niya ang desisyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na iwanan na ang Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP–Laban).

Ayon kay Velasco, ang hakbang ni Alvarez ay nagpapakita lamang na gumagana at masigla ang demokrasya sa bansa.


Matatandaang nag-abstain si Alvarez noong botohan sa pagka-Speaker kay Velasco.

Dati rin nitong pinayuhan si Velasco na hayaan na lamang si noo’y Speaker Alan Peter Cayetano na ipagpatuloy ang kanyang termino para maiwasan ang pagkakahati-hati ng mga miyembro ng Kamara.

Sa kabila ng mga nangyari ay pinasalamatan din ni Velasco ang dating Speaker sa naging kontribusyon sa partido.

Si Alvarez ay lumipat sa partidong Reporma para tutukan ang pagbuo ng “voters’ education campaign” bago ang 2022 national elections.




Facebook Comments