Pagbibitiw Ni Nhcp Chairperson Maria Serena Diokno, Umani Ng Pagsuporta

2

MANILA – Umani ng pagsuporta at paghanga si dating National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairperson Maria Serena Diokno makaraang magbitiw sa Duterte administration.May kaugnayan ito sa isyu ng palihim na paglilibing kay dating Pang. Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Sa pagdalo kahapon sa malawakang rally laban sa Marcos burial sa people power monument, higit na pinalakpakan si Diokno, kahit may ibang kilalang personalidad na nakilahok sa nasabing event.Ayon kay Diokno, ang malakas na suporta kahapon laban sa Marcos burial ay patunay lamang na hindi napakinggan ang tunay na saloobin ng taong bayan sa desisyong ilipat si Marcos sa heroes cemetery.Namataan din sa rally sina dating Sec. Mar Roxas, dating Sen. Wigberto Tañada at Rene Saguisag, dating Quezon Rep. Erin Tañada at Sen. Leila De Lima at mga gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments