Pagbibitiw sa pwesto ni COMELEC Chairman Bautista, palusot lang – Atty. Topacio

41

Manila, Philippines – Hindi pinalusot ng mga complainant sa impeachment case ang pagbibitiw sa pwesto ni COMELEC Chairman Andres Bautista .

Sa presscon sa Manila, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na kahit nagbitiw sa posisyon si Bautista ay tuloy pa rin ang pagsulong ng impeachment case laban sa COMELEC Chairman.

Paliwanag ni Topacio, hindi naman agad ang pagbababa sa tungkulin ni Bautista dahil sa December 31 taong kasalukuyan pa siya sa posisyon.

Giit ni Atty. Topacio, marami pa rin umanong mangyari gaya ng managinip siya at mayroong magsasabi sa kanyang panaginip na bawiin ang paghahain ng resignation.

Dagdag pa nito na sa Facebook lang nag-resign si Bautista at walang formal na resignation letter.

Hindi rin aniya irrevocable ang resignation na maaari niyang bawiin anumang oras.

Facebook Comments