Pagbili ng bakuna kontra COVID-19, hiniling na noon ng DOH sa DBM

Kasama ang pagbili ng bakuna kontra COVID-19 sa hiniling ng Department of Health mula sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ito ang kinumpirma ng DOH sa naging pagdinig ng Kongreso kanina at nang tanungin ni Bayan Muna party-list Representative Carlos Isagani Zarate.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni DOH Director for Financial Management team Rowena Lora na hindi sila nagbigay ng pondo sa DBM.


Iginiit din ni Jasonmer Uayan ng PS-DBM na hindi nila inaprubahan ang hiling ng DOH lalo na’t wala naman aniya silang kapasidad na bumili ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments