Pagbili ng multi-role fighter aircraft tiniyak ni Defense Secretary Lorenzana

92

Siniguro ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “on track” ang pagbili ng Multi-Role Fighter (MRF) para sa Philippine Air Force (PAF).

Sinabi ito ng kalihim makaraang sumakay sa isa sa mga FA 50 fighter jets ng PAF na nagsagawa ng aerial maneuvers sa “Sanay Datu”: Air Defense Exercise sa Basa airbase Sa Pampanga kahapon.

Ayon kay Lorenzana, ito ang unang pagkakataon sa loob ng 25 taon na nakapagsagawa ng air defense exercise ang Air Force, dahil nagkaroon na sila ng mga modernong eroplano.


Aniya, sa halip na kumuha ng 12 pang FA-50 fighters na pandagdag sa kasalukuyang 12, mga multi-role fighters nalang ang bibilhin.

24 na MRF aniya ang gusto sana nilang bilhin, ngunit 12 muna ang siguradong makukuha.

Mas importante aniya sa panahong ito na magkaroon ng credible air defense dahil sa sitwasyon sa West Philippine Sea.



Facebook Comments