Pagbisita sa mga Nakapiit sa PNP Cauayan, Pansamantalang Ipinagbawal

Cauayan City, Isabela- Ipinagbabawal muna ng pamunuan ng Cauayan City Police Station ang pagbisita sa mga kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng himpilan sa Lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, naghigpit ang PNP Cauayan sa pagtanggap ng mga bibisita sa kaanak o pamilya na pansamantalang nakapiit sa lock-up cell upang makaiwas sa COVID-19.

Nasa 22 na kalalakihan at 5 babae ang kasalukuyang nakapiit sa Cauayan City Police Station na nahuli sa iba’t-ibang kaso.


Hinihintay na lamang ng mga ito ang kanilang court order para sa pagdinig sa kanilang kaso.

Ayon kat PLT Scarlette Topinio, PIO ng PNP Cauayan City, sa kabila ng maraming bilang ng mga nakakulong ay kanila namang tinitiyak na nasa maayos ang kalagayan ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapainom ng bitamina, at pagsasagawa ng regular na check-up.

Facebook Comments