Pagbiyahe abroad ni Misuari, hindi tututulan ni PRRD

64

Hindi kokontrahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong biyahe-abroad ni Moro National Liberation Front Chairperson Nur Misuari dahil naniniwala siyang babalik ito ng bansa.

Matatandaang humingi si Misuari sa Sandiganbayan na payagan siyang makadalo sa ilang pulong sa United Arab Emirates at Morocco.

Inatasan ng Pangulo ang tropa ng pamahalaan na bigyan si Misuari ng safe passage.

Sa kasalukuyan ay nahaharap si Misuari sa graft charges kaugnay sa pagbili ng educational materials noong siya pa ay gobernador ng ARMM.

Facebook Comments