Pagbiyahe sa Boracay at MGCQ areas ng mga turistang mula sa NCR+, pinalawig ng IATF

40

Pinalawig ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makabiyahe ang mga galing sa NCR Plus areas patungo sa Boracay at mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) hanggang Hunyo 30.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, may paghihigpit pa ring ipatutupad tulad ng pagsusumite ng negative result ng swab test sa 18 anyos pababa at 65anyos pataas.


Habang ang ibang protocols at restrictions ay nakadepdende sa Local Government Units (LGUs) ng kanilang destinasyon.

Batay sa IATF Resolution No. 121, pinayagan ang leisure travel sa lahat ng edad mula sa mga lugar na nasa GCQ patungong MGCQ pero point-to-point travel lamang.

Facebook Comments