Pagbiyahe sa Hong Kong, dapat iwasan muna – DOLE

80

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Filipino na iwasan munang bumiyahe patungong Hong Kong.

Ito ay sa gitna na rin ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng mga militante at state security forces.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – kung hindi naman importante ang pagbisita sa Hong Kong ay mainam na ipagpaliban muna ito.

Pero tiniyak naman ng kalihim na ligtas ang mga Filipino workers doon.

Facebook Comments

From Advertisers