Pagbubukas ng klase sa Mindanao, tuloy sa June 5 ayon sa DepEd

Mindanao – Kahit pa may tensyon sa Marawi City at nagdeklara ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte, hindi nito mapipigilan ang pagbubukas ng klase sa Mindanao sa June 5.

Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, hindi gagamiting evacuation area ang mga pampublikong paaralan sa elementarya at secondarya sa Marawi City at iba pang bahagi ng Mindanao.

Aniya, magsisilbing evacuation center ang provincial capitol and the Mindanao State University kayat magagamit ng mga ng mga estudyante ang mga paaralan doon.


Gayunman, inalerto ng kalihim ang lahat ng nasa sector ng education na maging handa maingat at agad umaksyon para masiguro ang kaligtasan ng lahat sa hindi inaasahang pangyayari.
DZXL558

Facebook Comments