Pagbubukas ng lahat ng tourist destination ng bansa bago ang holiday season, nais ng Department of Tourism

92

Kasunod ng muling pagbukas ng Tagaytay City, Baguio City at Boracay para sa mga local tourist, nais ng Department of Tourism (DOT) na magbukas na ang lahat ng mga tourist destination sa bansa ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Ayon sa DOT, target talaga nila ang mas marami pang tourist destination na buksan para sa mga gustong magpawala ng stress at magbakasyon sa ibang lugar ng bansa sa darating na holiday seasons.

Bukod dito, nais din ng nasabing ahensiya na makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino na nawalan ng sahod dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Paglilinaw ng DOT, nasa Local Government Units (LGU) ang pinal na desisyon para sa pagbubukas pa ng mas maraming tourist destination.

Facebook Comments