Pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila, ipinagpaliban sa unang araw ng Marso

Ipinagpaliban na sa unang araw ng Marso ang nakatakdang pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ng Malacañang kung saan kinakailangan pa munang may approval ng local government officials na nakakasakop ang mga establisyimento kagaya ng mga sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakausap na niya ang Metro Manila Mayors at Deparment of Trade and Industry at tutol umano ang mga alkalde sa desisyon na ito ng Inter-Agency Task Force.


Kinakailangan pa rin munang maglabas ng mga panuntunan kagaya ng bilang ng mga indibidwal na papayagan sa loob ng sinehan.

Paglilinaw naman ni Roque, hindi nagsasabong ang IATF at Metro Manila Mayors kundi nagkakaisa aniya sila sa kagustuhang unti-unti nang buksan ang ating ekonomiya.

Samantala, iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat manatili pa rin ang minimum health protocols at ang maayos na ventilation sa loob ng mga sinehan para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments