Pagbubuwis ng BIR, hiniling na i-digitize na rin

Inirekomenda na rin ni Albay Rep. Joey Salceda na ma-i-digitize ang pagbubuwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Salceda, upang matiyak na mababantayan at makasisingil ng tamang buwis ang BIR sa digital channels ay kailangang i-digitize na ang tax registration at payment gayundin ang electronic invoicing at risk-based auditing.

Isa sa mga pinag-aaralan ngayon ni Salceda ay ang pagsasa-ayos ng pagbubuwis sa digital gambling.


Aniya, madaling makikita ang projected revenues sa digital gambling gamit ang mga digital payment system.

Kapag nagsimula na ang 19th Congress ay kaniyang aatasan ang technical working group ng Digital Betting and Amusements Taxation upang aralin ang tax regime para dito at magsumite ng rekomendasyon sa Ways and Means Committee.

Facebook Comments