Pagbuo ng dalawang Special Investigating Teams na hahawak sa kaso ng pagpatay sa tatlong aktibista sa Bicol, may basbas na ni SOJ

216

Inaprubahan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagbuo ng dalawang Special Investigating Teams (SIT) na hahawak sa kaso ng pagpatay sa tatlong political activists sa Bicol Region.

 

Partikular ang kaso ng pagpatay kina Ryan Hubilla at Nelly Bagasala ng grupong Karapatan noong June 15,2019  sa Sorsogon; at ang pagpaslang kay  Neptali Moraga, dating Bayan Muna Bicol Regional Coordinator, noong June 17, 2019 sa Naga, Camarines Sur.


 

Sa kanyang Administrative Order No. 35, inatasan ni Guevarra ang prosecutors na hahawak sa kaso na magsagawa ng case-build up at alamin kung talagang pulitika ang motibo sa nasabing mga pagpatay.

 

Pinagsusumite ni Guevarra ng report ang prosecutors sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagkakatatag ng Special Investigating Teams.

Facebook Comments

From Advertisers