Pagbuo ng National Transport Safety Board, isinulong ni Senator Poe

20

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee On Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang kahalagahan ng pagbuo ng isang National Transport Safety Board.

Ayon kay Senator Poe, magiging mandato ng nasabing board anh pagsasagawa ng independiyenteng imbestigasyon sa mga aksidente sa lansangan.

Ito rin ang bubuo ng mga polisiya at programa para maiwasan ang kapahamakan sa daan.

Ang hakbang ni Senator Poe ay dahil sa serye ng mga malalagim na aksidente kung saan pinakahuli ay ang pagbulusok sa bangin sa Nueva Ecija ng Leomarick bus kung saan 31 ang binawian ng buhay, habang marami ang sugatan.

Binigaygn diin ni Senator Poe na kailangang siguraduhin ang masusing imbestigasyon upang mapanagot ang maysala at makamit ng mga biktima ang hustisya sa mga nagaganap na trahedya sa lansangan.
Nation

Facebook Comments