Pagbuwag sa NTF-ELCAC, apela ng isang kongresista kay PBBM

Umaapela si Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na buwagin sa lalong madaling panahon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Hirit ito ni Brosas kasunod ng paglalabas ng Commission on Elections (Comelec) ng Resolution 11116 na nagbabawal sa red-tagging ng mga kandidato ngayong panahon ng eleksyon.

Ipinunto ni Brosas, na ang pagbabawal sa red-tagging tuwing eleksyon ay isang mahalagang hakbang, pero hindi ito sapat dahil ang kailangan ay mawakasan ang sistematikong red-tagging na pinangungunahan ng NTF-ELCAC.

Diin ni Brosas, nasasayang ang bilyun-bilyong pisong pera ng taumbayan na inilaan sa NTF-ELCAC na walang pinagkakagastusan kundi ilagay umano sa peligro ang buhay ng mga aktibista, progressive leaders, at pangkaraniwang mamayan sa pamamagitan ng red-tagging.

Facebook Comments