PAGCOR, magsasagawa ng sariling imbestigasyon ukol sa Resorts World attack

112

Manila, Philippines – Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR para alamin kung may naging pagkukulang ang Resorts World Manila sa pagresponde sa atake ni Jessie Javier Carlos nitong Biyernes.

Ayon kay PAGCOR Chairman Andrea Domingo, nitong March 27 pa nagsimula ang one year ban kay carlos sa lahat ng gaming establishments dahil sa pagkakalulong nito sa sugal.


At sa mga panahong ito aniya ay nagsisimula na dapat ang rehabilitasyon ni Carlos.

Sabi pa ni Domingo, hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa responsableng paglalaro at paglalabas ng mga video para malaman kung adik na ba sa pagsusugal ang isang tao.

Aniya, regulating agency lamang ang PAGCOR at ang magagawa nito ay mabigyan ng initial guidance ang gambling addict sa mga clinic.

Pero, hindi na nila aniya kayang sagutin ang pang-matagalang pagpapagamot.




DZXL558

Facebook Comments