PAGCOR – nilinaw na magbibigay pa rin ng medical assistance kung may referral mula sa Malacañang at authorized agencies

76

Binigyan diin ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na tatanggap pa rin sila ng hiling para sa tulong pinansyal sa medikal na gastusin ng pasyente.

Pero paglilinaw ni PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc – ito ay kung may endorsement letter mula sa Office of the President at ilang authorized na ahensya ng gobyerno.


Kabilang sa mga ahensyang kikilalanin pa rin ng PAGCOR ang referral ay mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD at Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Una nang inanunsyo ng PAGCOR na pansamantala nilang ititigil ang pamimigay ng financial assistance kasunod ng pamemeke ng mga dokumento ng isang mag-asawang naaresto ng Manila Police District (MPD).

Dahil dito ay lalong naghigpit ang ahensya sa pagsusuri ng mga dokumento para sa request na tulong pinansyal sa mga may-sakit.

Facebook Comments

From Advertisers