Pagdaan sa Hong Kong ng mga sasakyang pandigma ng US, ipinagbawal ng China

1422

Ipinagbawal na ng China na dumaan sa Hong Kong ang lahat ng sasakyang pandigma ng America.

Ito ay matapos ang ginawang pagsuporta ng Estados Unidos sa mga nagpoprotesta sa Hong Kong.


Una nang pinirmahan ni US President Donald Trump ang batas na layong suspendihin ang special trading status ng Hong Kong na ikinadismaya ng China.

Kasunod nito ay inanunsiyo naman ng Beijing na magpapataw sila ng sanctions sa ilang human rights organizations na naka-base sa Amerika.

Facebook Comments