PAGDADALA NG SARILING BOTE OBASO, UPANG MABAWASAN ANG BASURA, ISINUSULONG SA NAGULIAN, LA UNION

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Naguilian, La Union ang Bring Your Own Bottle o BYBO campaign upang mabawasan ang basura sa bayan.

Sa ilalim ng kampanya, hinihikayat na magdala ng sariling bote o baso ang mga customer na ipinatutupad partikular sa mga business establishments na nagbebenta ng inumin.

Ngayong patuloy na ipinagdiriwang ng bayan ang ika-186 Basi Festival, kinikilala ang kasaysayan at kultura ng mga Naguilieños na may disiplina sa pagsasaayos ng basura.

Pinaalalahanan naman ng Naguilian MENRO ang mga residente na isa lamang ang kampanya sa mga eco-friendly practices bilang pagbabalik ng kabutihan sa kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments