Pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno kahit may pandemya, nauunawaan ni SP Sotto

140

Nauunawaan ni Senate President (SP) Tito Sotto III ang patuloy na pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa kabila ng banta na mahawa sila ng COVID-19.

Ayon kay SP Sotto, mahirap talagang awatin ang isang tao kapag medyo mabigat ang debosyon nito tulad ng mga namamanata sa Itim na Nazareno.


Umaasa naman si SP Sotto na bagama’t hindi lahat, ay mayorya o mas marami pa rin sa mga deboto, ang makakasunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagsasagawa ng social distancing.

Ipinaliwanag ni SP Sotto, na totoong God is in control at pwedeng daanan sa dasal ang lahat pero mas mainam pa rin kung ang tao mismo ay magsasagawa ng kinakailangang pag-iingat para hindi sila mahawa ng COVID-19.

Facebook Comments