PAGDAGSA NG TAO PARA SA STEP 2 NG NATIONAL ID SA SAN QUINTIN, HINDI MAPIGILAN

81

Hindi mapigilan ang pagdagsa ng mga tao sa San Quintin para sa proseso ng step 2 ng Philippine Identification System o PhilSys ID ng PSA.

Bagama’t by batch bawat barangay isinasagawa ang nasabing proseso, hindi pa rin makontrol ng mga otoridad ang pagdagsa ng mga tao.


Mula sa Brgy. Lagasit ang kanilang inasistahan kahapon na kung saan first come first serve ang kanilang naging basehan.

May mga ilang senior citizen din ang nagpunta sa nasabing proseso.

Samantala, no facemask, no faceshield, no ballpen no process naman ang ipinatupad na kautusan sa nasabing pagpaparehistro.

Facebook Comments