Pagdagsa sa NLEX ng mga motoristang pabalik ng Metro Manila, asahan na ngayong hapon hanggang mamayang gabi

28

Manila, Philippines – Matapos ang ilang araw na bakasyon dahil sa ASEAN Summit.

Asahan na ang pagdagsa sa North Luzon Expressway (NLEX) ng mga motoristang pabalik ng Metro Manila ngayong hapon at mamayang gabi.

Kaugnay nito, maglalagay na ng portable toll booth ang NLEX sa Bocaue exit para maiwasan ang mahabang pila ng mga sasakyan.

Bubuksan din ang expansion plaza sa tabi ng Bocaue exit kung saan ilalagay ang ilang collection points.

Bukod dito, inaasahan na rin ang pagdagsa ng mga tao sa bus terminal dahil pagbabalik ng trabaho at pasok sa mga eskwela bukas.

Facebook Comments