Pagdalo ni Pangulong Marcos sa F1 Grand Prix sa Singapore, hindi dapat masamain

63

Walang nakikitang masama si House Majority Leader Jose Manuel “Mannix” Dalipe sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Formula 1 Grand Prix sa Singapore nitong weekend.

Diin ni Dalipe, bukod kay Pangulong Marcos Jr., ay inimbitahan din sa naturang event ang iba pang leader ng mga bansang kasapi ng Southeast Asian region.

Sabi ni Dalipe, noong nagkaroon ng state visit si PBBM sa Indonesia at Singapore nitong Setyembre ay ipinaabot sa kanya ang imbitasyon.


Paliwanag pa ni Dalipe, kung pagbabasehan ang political landscape ng rehiyon, ay si Pangulong Marcos Jr., ang tumatayong leader ng Southeast Asia.

Bunsod nito ay sinabi ni Dalipe na hindi maiiwasang maimbita si PBBM sa mga pagtitipon kung saan nagkakaroon ng pagkakataon ang mga leader ng mga bansa na makasalamuha ang isa’t isa.

Facebook Comments